Skip to content

Churches Stronger

View this page in your language

Introducing Churches Stronger

Ang “Churches Stronger” ay isang bagong platform na nagpapadala ng mga aralin ng TCT,  “Truth Centered Transformation” o Pagbabagong Nakasentro sa Katotohanan. Sa halip nang nakagawiang pagsasanay na 2 beses sa bawat taon ay ating inilulungsad ang bagong pormat na linguhang aralin na ipapadala sa pamamagitan ng WhatsApp. Ang mga araling ito ay nakaayon maituro sa maliliit na mga grupo o bilang isang mensahe para sa iyong simbahan o kongregasyon. Ang sinuman po ang maaaring makilahok, at it po ay libre kahit na ikaw ay hindi pastor, manggagawa o lider ng isang iglesia. Kung nais mong makuha ang mga araling ito para sa iyong personal na paglago at paggabay sa ibang na lumago din, magsign-up na!

Ano ang TCT?

Ang Pagbabagong Nakasentro sa Katotohanan o TCT ay isang programang pangkalahatang pagdidisipulo na nakatuon na matulungan ang mga mananampataya na mamobilisa sa paglalakad nang may pagsunod sa Diyos sa lahat ng erya ng buhay. Amin na itong nasaksihan, na habang kanila itong ginagawa, ang ating Diyos ay naluluwalhati, ang mga iglesia ay lumalago, at ang mga Kristiano ay nagmamatyur at higit sa lahat ang mga komunidad ay nababago. Marami nang mga kwento ang aming nakita at narinig na mga pagsasamang mag-asawa ay naiisaayos, mga kinikita at lumago, mahihirap na natulungan maka-ahon at—sa higit 1000 pagkakataon—ang buong komunidad ay nabago.

Sino-sino ang maaaring magsign-up sa programang ito?

Kahit sino ay maaaring magsign-up. Kapag ikaw ay nagsign-up, ikaw ay tatanungin kung iyo bang pinaplano na ibahagi ito sa ibang mga pastor o lider ng mga iglesia, ituro sa ibang mananampalataya o gawing mensahe ito para sa iglesia, o gagamitin ito para sa iyong personal na paglago. At ito ay upang masiguro lamang na iyong matanggap o makuha ang tama at itinakdang mga aralin.

Para naman sa inyong mga nagmemensahe at nagtuturo, kami ay nagkakaloob ng ‘webinars,’ na makakatulong sa masagot ang anumang mga katanungan, mabigyan kayo ng pagkakataong lumalim sa pagtalakay sa mga aralin, at mabigyan kayo ng pagkakataong maipabatid sa amin ang mga pagbabagong nais ninyong makita sa hinaharap.

Ano ang sunod na mangyayari kung ikaw ay nagsign-up?

Pagkatapos ng 2-3 mga buwan, tayo ay magsisimula ng isang bagong grupo – pagkatapos mong magsign-up, ikaw ay madadagdag sa sunod na sesyon. Kapag nagsimula na ang bagong sesyon, ikaw ay makakatanggap ng linguhang aralin sa ‘WhatsApp’ katulad ng halimbawa sa ibaba. Ang mga aralin ay sumasakop sa iba’t-ibang uri ng paksa tulad ng: pangkalahatang pagmiministeryo, pagmamahal sa ating kapwa o kapitbahay, pagpapatibay ng pagsasamang mag-asawa, at pangangasiwa sa pananalapi. Kami ay magpapadala sa iyo ng mga 40 aralin sa isang taon kaya marami kang panahon upang ituro o magmensahe ng iba pang mga paksa na mahalaga rin para sa iyong iglesia o grupo.

Have a question? Send us an email at connect@tctprogram.org

Sample Lesson

Love God, Love your neighbour

Ano ang TCT?

Simple practical training
to help churches
experience God’s
transforming power in
every area of life

© 2021 Reconciled World

Reconciled World